Viral na Grab delivery rider, nagtapos na magna cum laude

(Facebook post of Francis Valerio)

Nagtapos na bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Arts in Communication sa Adamson University ang Grab delivery rider na si Francis Valerio.

Sa Facebook post ni Valerio, hindi niya inakala na magiging magna cum laude dahil hindi siya makapag-focus sa pag-aaral dahil sa kanyang trabaho.

Nag-viral sa social media si Valerio matapos makunan ng litrato na nag-aaral habang nagta-trabaho bilang Grab delivery rider.

Ayon kay Valerio, mas mabigat ang halaga ng pagiging magna cum laude dahil sa kabila ng hirap sa buhay, natapos niya ang pag-aaral.

Payo ni Valerio sa mga kapwa working students, huwag sumuko sa mga pangarap.

Read more...