Kinansela ng China ang tatlong multibillion-peso railway projects sa Pilipinas.
Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, ito sana ang iiwang legasiya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng kanyang “Build, Build, Build” program.
Kabilang sa nakansela ang Philippine National Railways (PNR) Bicol project, Subic-Clark Railway Project (SCRP) at ang unang phase ng Mindanao Railway Project (MRP).
Paliwanag ni Chavez, wala kasing pondo ang pamahalaan para sa nabanggit na proyekto.
Naghahanap naman aniya ng paraan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa panibagong negosasyon sa loan saa Beijing para makakuha ng official development assistance loans.
Sinabi pa ni Chavez na maituturing na withdrawn na ang aplikasyon na loan ng Pilipinas sa state-owned China Eximbank nang kanselahin ang aplikasyon ni dating Finance Secretary Carlos Dominguez na dapat sana ay ginawa munang suspended animation.
Humihingi rin aniya ang China ng tatlong porsyentong interes sa uutangin ng Pilipinas na mas mataas sa 0.01 porsyento na alok ng Japan.
Nasa P142 bilyong pondo ang para sa PNP Bicol project habang nasa P83 bilyon ang nakalaan para sa Tagum-Davao-Digos na Mindanao Railway Project at P51 bilyon naman ang para sa Subic-Clark Railway project.