Magnitude 4.6 na lindol, tumama sa Zambales

Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa Zambales, Biyernes ng hapon (Hulyo 15).

Sa earthquake information no. 1 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 7 kilometers Southwest ng Masinloc dakong 4:36 ng hapon.

40 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Dahil dito, naitala ang intensity 2 sa Quezon City.

Napaulat naman ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 4 – Iba, Zambales
Intensity 3 – Infanta, Pangasinan; Olongapo City, Zambales
Intensity 2 – Gapan City, Nueva Ecija; Dagupan City, Pangasinan; Subic, San Antonio, Zambales
Intensity 1 – Plaridel, Bulacan; Malabon City, Pasig City, Quezon City, Navotas City, Metro Manila; San Jose, Palayan City, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga;
Basista, Bolinao, Pangasinan; San Francisco, Quezon; Tarlac City, Tarlac

Ayon sa Phivolcs, walang napaulat na pinsala at aftershocks sa mga kalapit na lalawigan.

Read more...