Nasa 36 porsyento ng koleksyon ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang nakalaan sa modernasisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni BCDA Chairperson Delfin Lorenzana na ibinibigay ng BCDA ang koleksyon sa Department of Budget and Management (DBM) at National Treasury.
Nabatid na noong 2021, umabot sa P4.9 bilyon ang naging koleksyon ng BCDA. Tumaas pa ito sa taong 2022 sa P7.38 bilyon.
Paliwanag ni Lorenzana, naging produktibo ang pagnenegosyo sa taong 2022 kung kaya lumaki ang koleksyon.
Tungkulin ng BCDA na gawing kapaki-pakinabang ang military camps na iniwan ng mga Amerikano.
Halimbawa na ang pag-develop sa Clark Airbase sa Pamapanga, ang Poro Point sa Subic, Zambales, Camp O’Donnel sa Tarlac, at Camp John Hay sa Baguio kasama na ang Fort Bonifacio sa Taguig.