Nanawagan ang National Nutrition Council (NNC) sa local governments units na bigyang prayoridad sa feeding program ang mga buntis at mga sanggol na nag-eedad ng anim hanggang 23 buwan.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni NNC Nutrition Information and Education Division chief Jovita Raval na mahalagang mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga buntis at mga sanggol dahil ito ang mga panahon na maiiwan ang pagkabansot sa tangkad at utak.
Mahirap na kasi aniyang habulin kung naging malnourished ang mga bata sa unang dalawnag taon.
Sa ngayon, nasa 3.1 milyong pamilya ang nakararanas ng pagkagutom sa unang quarter ng taong 2022.
MOST READ
LATEST STORIES