Tiyakin na maibibigay ang benepisyo ng mga health workers.
Ito ang utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.
Ayon kay Vergeire, bukod sa benepisyo ng mga health workers, pinatitiyak din ng Pangulo na paigtingin pa ang ginagawang pagbabakuna kontra COVID-19 at pandemic response.
Sinabi pa ni Vergeire na sisimulan na nilang busisiin kung paano mapabibilis ang pagbibigay ng benepisyo sa mga health workers.
Sa ngayon aniya,mayroon ang pondo na isinalin sa DOH’s Centers of Health Development para sa benepisyo ng mga health workers.
Kailangan lang aniya ngayon ng karagdagang pondo para mabigyan ng karampatang benepisyo ang mga health workers.
Matatandaang inanusyo kahapon ng Palasyo ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong Marcos si Vergiere bilang OIC ng DOH.