Sa nalalapit na pagbubukas ng 19th Consgress, nais ni Senator Nancy Binay na mabuo ang Senado bilang Committee of the Whole para matalakay ang mga nabinbing isyu na may kaugnayan sa COVID 10 pandemic.
”Siguro, when the 19th Congress opens, we can convene the Committee of the Whole para mabalikan ang mga pending issues and concerns regarding Covid-19 like vaccination programs, access to boosters, status of our healthcare workers, health and pandemic statistics, level of preparedness, exit plans, etc.,” aniya.
Kaugnay na rin ito sa mga panawagan na gawing mandatory na ang pagpapaturok ng booster shot bunga na rin pagdami pa ng mga COVID 19 cases sa bansa.
Binanggit niya na wala pa sa kalahati ng 40 milyong maari nang magpaturok ng booster shot, na ayon sa mga eksperto ay dagdag proteksyon sa nakakamatay na sakit.
Sinabi ni Binay na suportado niya ang pagpupursige ng gobyerno na makapagpaturok ng booster shot sa mas marami pang fully vaccinated Filipinos.
“Sa tingin ko, at the end of the day, we need to always revisit the science behind our every decision on matters of public health like having a common index and definition of what ‘fully vaccinated’ is or should be na compliant and aligned sa World Health Organization or similar internationally-recognized and respected organizations,” dagdag pa ng senadora.