Empleyado ng Office of the President, patay matapos mahulog sa Mabini Hall

Isang empleyado ng Office of the President ang nasawi matapos mahulog sa Mabini Hall sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nakilala ang nasawi na si Mario Castro, empleyado ng OP at nakatalaga sa Information and Communication Technology Operation Office.

Ayon kay Angeles, nasa ikaapat na palapag ng Mabini Hall si Castro nang mahulog.

May naulilang asawa at anak si Castro.

Ayon kay Angeles, nakikiramay ang Palasyo sa pamilya ni Castro.

Sa ngayon aniya, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Presidential Security Group.

Read more...