Tuloy na ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22.
Pahayag ito ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa panawagan ng ilang guro na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase na sa halip na Agosto ay dapat sa Setyembre na lamang.
Ayon kay Duterte, inaprubahan na kasi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang schedule ng School Year 2022-2023 na tatagal ng hanggang July 7, 2023.
Ayon kay Duterte, walang inilagay na kautusan ang DepEd sa size o bilang ng mga estudyante dahil magkakaiba ang sukat ng silid-aralan.
Sa Department Order 34 na inilabas Ng DepEd, mahigpit na ipatutupad ang physical distancing kung kinakailangan.
Ipagbabawal din aniya ang sabay-sabay na pagkain ng mga estudyante.
Kung kakain aniya, dapat nasa isang direksyon lamang.
WATCH: Pagbubukas ng klase sa Agosto 22, tuloy na ayon kay Vice President and Education Secretary Inday @indaysara Duterte | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/ei9jMfOFjW
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) July 14, 2022