BREAKING: Usec. Maria Rosario Vergeire, itinalagang OIC ng DOH

Photo grab from PCOO Facebook live video

Pinili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Health Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire bilang officer-in-charge ng Department of Health (DOH).

Ito ang ibinahagi ni Press Sec. Trixie Angeles sa isang press briefing sa Malakanyang.

Sa ngayon, si Singh-Vergeire ang tumatayong Undersecretary ng Public Health and Services ng kagawaran at nagsisilbi ring tagapagsalita ng DOH.

Kabilang siya sa iilang naiwan mula sa pamumuno ni dating Health Sec. Francisco Duque III.

Narito ang bahagi ng anunsiyo ni Angeles:

Read more...