Paliwanag ni Lapid, makakatulong ang kanyang panukala sa mga pasyente ng serbisyong medikal o pangkalusugan na makakabuti sa kanila.
Nakasaad din aniya na dapat ay maging malinaw sa mga pasyente ang mga serbisyo na angkop sa kanilang pangangailangan para aniya maiwasan ang biglaang gastos.
“Sa pagpasok ng bagong Kongreso, isa pa rin sa ating prayoridad na isinusulong ang pagkakaroon ng akses ng ating mga kababayan sa dekalidad at abot-kayang pagpapagamot at check-up upang sila ay makaiwas sa ,ga surprise billing,” dagdag pa ni Lapid.
Gusto nito na maging malinaw sa publiko ang halaga ng mga serbisyong medikal na alok ng mga ospital, klinika at iba pang pasilidad na pangkalusugan.
“Sa ilalim ng panukalang ito, layunin nating maging pro-aktibo ang ating mga ospital at healthcare providers sa pagbibigay alam sa publiko kung magkano mismo ang kanilang kailangang bayaran para sa mga serbisyo, gamot at iba pang bayarin,” paliwanag pa ng senador.