Gusto ni Senator Christopher “Bong” Go na magkaroon ng Free Dialysis Program ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa lahat ng miyembro.
Sa inihain niyang Free Dialysis Act of 2002, ipinunto ni Go na napakamahal ng dialysis treatment kayat malaking tulong kung may comprehensive dialysis package ang PhilHealth.
Ipinagbilin din niya sa kanyang panukala ang mabusising pagsusuri sa lahat ng dialysis claims.
Layon lang ng namumuno sa Senate Committee on Health na mapalakas pa nang husto ang healthcare system sa bansa hanggang sa mga liblib na pamayanan.
Pagdidiin ni Go, napakahalaga sa kanya ng kalusugan ng bawat Filipino kaya’t pinagsusumikapan niya na magkaroon ng mga batas para sa pangkalahatang kalusugan at serbisyong medikal sa lahat.