Umabot sa 274 tricycle drivers at operators ang nabigyan ng ayuda ng pamahalaang-lungsod ng Quezon.
Tumanggap sila ng fleet card na naglalaman ng P1,000 fuel subsidy.
Sinabi ni Mayor Joy Belmonte ang tulong ay para maibsan ang epekto ng mataas na halaga ng gasolina sa TODA members.
Umaasa ang opisyal na makakatulong ang ayuda sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga tricycle drivers.
Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ay ang mga pumapasada sa Riverside, Katuparan, Filinvest at East Fairview.
MOST READ
LATEST STORIES