Binigyang laya ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga unibersidad at kolehiyo sa bansa sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa muling pagsisimula ng mga klase.
Ayon sa CHED, bahala na ang school administrators sa pagbalangkas ng ‘learning set-up’ na ayon sa iniaalok nilang degree programs.
Sinabi ni Chairman Prospero de Vera na maraming unibersidad at kolehiyo ang may mga sapat na pasilidad at kagamitan para sa blended learning.
Ngunit, naniniwala ang opisyal na maraming institusyon ang magpapatupad na ng in-person classes.
“We are leaving it to the universities to decide what is the appropriate mix,” aniya.
Una nang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) ang 100 porsyentong face-to-face classes sa lahat ng public at private schools simula sa Nobyembre 2 kahit anong COVID 19 alert level pa ang umiiral.