Satisfaction rating ni dating Pangulong Duterte, nasa ‘very good’

Mayorya ng mga Filipino ang nasiyahan sa naging performance ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 78 porsyento ng mga Filipino ang ‘satisfied’, siyam na porsyento ang ‘undecided’, habang 13 porsyento ang ‘dissatisfied’.

Mas mataas ang naturang datos ng tatlong puntos kumpara sa naitalang 75 porsyento noong Disyembre 2021.

Dahil dito, nasa +65 ang net satisfaction rating ng dating Punong Ehekutibo, na itinuturing na ‘very good’.

Limang puntos ang itinaas nito kumpara sa +60 net satisfaction rating noong Disyembre 2021.

“The 5-point rise in President Duterte’s overall net satisfaction rating from December 2021 to April 2022 was due to increases in all areas,” saad ng SWS.

‘Very good’ din ang satisfaction rating ng dating Pangulo sa urban at rural areas.

Isinagawa ang First Quarter 2022 Social Weather Survey sa 1,440 adults sa pamamagitan ng face-to-face interview sa buong bansa mula Abril 19 hanggang 27, 2022.

Read more...