LTO, pananagutin sa batas ang mga ilegal na gumagamit ng ‘wang-wang’

Agad na kukumpiskahin at papanagutin sa batas ng Land Transportation Office (LTO) ang mga ilegal na gumagamit ng “wang-wang” o blinkers sa mga kalsada.

Pahayag ito ng LTO matapos ang sunud-sunod na reklamo sa paggamit ng ilang motorista ng “wang-wang.”

Ayon kay LTO officer-in-charge Romeo Vera Cruz, tiyak na may parusang naghihintay sa mga abusadong gumagamit ng “wang-wang.”

Multang P5,000 aniya ang maaring kaharapin ng mga gumagamit ng “wang-wang.”

Tanging ang mga ambulanssya, mga sasakyan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinapayagang gumamit ng “wang-wang.”

Pinapayagan ding gumamit ng “wang-wang” ang Presidente ng Pilipinas, Bise Presidente, Senate president, Speaker ng Kamara, at Chief Justice ng Supreme Court.

Read more...