Imprastraktura sa bansa, palalakasin ni Pangulong Marcos

Photo credit: Pangulong Bongbong Marcos/Facebook

Palalakasin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang imprastraktura sa bansa.

Ito ay para mapalakas ang industriya ng turismo.

Ayon kay Press Secretary Trxie Cruz-Angeles, nakita ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na palakasin ang imprastraktura sa isinagawang Cabinet meeting.

Inihalimbawa aniya ng Pangulo ang Singapore na malakas ang turismo kahit limitado ang natural resources.

“That means that it can be done. We just have to support the plan to develop all of these enabling environment – the policy, conditions, and infrastructure,” pahayag ni Pangulong Marcos sa Cabinet meeting.

Sinabi pa ni Angeles na binigyang diin ng Pangulo ang ‘ease of doing business’ sa turismo.

“Ease of getting here, getting around, arranging for tours, getting drivers… finding a hotel,” pahayag ng Pangulo.

Tinalakay din aniya ng Pangulo ang pagpapalakas sa healthcare facilities sa mga malalaking tourist destination, gaya ng Boracay gaya ng ginawa sa Hawaii at Thailand.

“[Sa] beach, maraming police and everything…So, if anything happens along that stretch, meron silang tatakbuhan kaagad. The lifeguards know exactly where to bring them. That is supported by the local industry. Toka-toka sila, to keep a doctor there, to keep a nurse there,” pahayag ng Pangulo.

Read more...