757,000 nagparehistro para sa December Barangay, SK elections

Higit 750,000 indibiduwal na ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para maging rehistradong botante, ayon sa Commission on Elections (COMELEC).

Hanggang noong Lunes, Hulyo 11, may 757,316 indibiduwal ang nagparehistro para makaboto.

Higit 160,000 naman ang may aplikasyon para sa paglipat ng presinto at mayroon din para sa reactivation, at transfer mula sa overseas voting kayat ang kabuuang aplikasyon na natanggap ng Comelec ay 1,013,805.

Tatagal ang voter registration hanggang sa Hulyo 23.

Read more...