Nangangailangan ang Land Transportation Office (LTO) ng P6.8 bilyong para matugunan ang backlog o ang kakulangan ng plaka ng mga sasakyan.
Sinabi ni LTO Officer-in-Charge Atty. Romeo Vera Cruz na marami nang motorista ang nagrereklamo dahil kawalan ng plaka.
Kaya pakiusap ni Vera Cruz sa Kongreso, paglaanan ng sapat na pondo ang LTO para matugunan ang problema.
Binigyang diin pa ni Vera Cruz na wala namang problema sa produksyon ng plaka dahil mayroon silang modern plate making plant.
Katunayan, mayroong dalawang robot na ginagamit ang LTO para sa paggawa ng mga plaka kayat walang problema sa backlog ani Vera Cruz basta may pondo.
MOST READ
LATEST STORIES