Safe conduct pass para kay Joma, tiniyak

Inquirer file photo

Tiniyak ni incoming president Rodrigo Duterte na bibigyan niya ng ‘safe condust pass’ si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison sa oras na bumalik na ito sa bansa.

Ayon kay Duterte, bukod kay Joma Sison, kanyang bibigyan din ng ‘safe conduct pass’ ang iba pang mga lider ng makakaliwang grupo kahit ang mga ito ay nakadetine upang makalahok ang mga ito sa magaganap na peace talks.

Ngunit bago aniya makauwi, kanya munang aatasan sina incoming Justice Secretary Silvestre Bello III at incoming peace process adviser Jesus Dureza na magtungo ng Oslo, Norway upang makipagdayalogo kay Sison upang balangkasin ang agenda at framework ng peace deal.

Sakali aniyang mabuo ang preliminary talks, handa siyang palayain ang lahat ng mga political prisoners sa bansa.

Ayon sa grupong Karapatan, nasa 543 ang mga political prisoners sa bansa kabilang na ang 18 NDF consultants.

Sa naturang bilang, 88 umano sa mga ito ay maysakit samantalang nasa 48 ang may edad na.

Read more...