VP Sara nagpasaklolo sa NBI sa pag-iimbestiga sa sumbong ng sex abuses sa PHSA

Photo credit: Philippine High School for the Arts/Facebook

Humingi na ng tulong ang Department of Education (DepEd) sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-iimbestiga sa mga sumbong ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts (PHSA) sa Los Baños, Laguna.

Sumulat si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa NBI para sa komprehensibong ulat ukol sa isyu.

Nabatid na magsasagawa rin ng imbestigasyon sa mga sumbong ang Child Protection Unit at Child Rights in Education Desk ng kagawaran.

Ipinaalam naman ng PHSA sa DepEd na ipinasusumite na rin sa kanilang Committee on Decorum and Investigation ang mga sumbong.

Pagdidiin ng DepEd, hindi kinukunsinti ng kagawaran ang lahat ng uri ng pang-aabuso.

Nirerebisa na rin ng DepEd at PHJSA ang mga polisiya ng paaralan sa layon mapalakas pa ang mga mekanismo upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa naturang paaralan.

Read more...