OVP, nagbabala ukol sa mga pekeng FB account

Photo credit: City Government of Davao/Facebook

Binalaan ni Vice Presidential Spokesperson Atty. Reynold Munsayac ang publiko ukol sa mga kumakalat na pekeng Facebook account ng Office of the Vice President (OVP) at satellite offices.

Ani Munsayac, walang opisyal na FB accounts ang OVP.

“The OVP is in the process of updating the official government OVP website which will hold all information about the OVP,” saad nito.

Makikita aniya ang mga aktibidad ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang opisyal na Facebook account na “Inday Sara Duterte.”

Maari ring makita ang mga aktibidad ni Duterte sa kaniyang Twitter account na @indaysara (Sara Duterte) at Instagram account na @indaysaraduterte.

Read more...