Publiko, binalaan ukol sa pekeng FB account ng isang BOC district collector

Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) – NAIA sa publiko ukol sa mga indibiduwal na gumagamit ng pekeng Facebook account na may pangalang “Carmelita Talusan.”

Nagpapanggap ang gumagamit ng account bilang District Collector upang makapanloko ng mga biktima.

Paglilinaw ng ahensya, walang Facebook account si BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan.

Hindi rin anila gumagamit si Talusan ng naturang social media platform upang makipag-ugnayan at mag-transact ng mga usapin ukol sa BOC.

“Any official communication to the public is coursed through the Office of the District Collector – NAIA Public Information Office,” diin pa ng ahensya.

Sakaling nagkaroon ng transaksyon sa nasabing pekeng FB account, maaring i-report sa mga sumusunod na BOC NAIA Assistance Hotlines; (0961)-759-4067, (0961)-759-4068, (0919)-925 6785, (0932)-844-3390 o magpadala ng e-mail sa naia@customs.gov.ph.

Read more...