Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Surigao del Norte, Martes ng hapon (Hulyo 12).
Batay sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 47 kilometers Northeast ng Burgos bandang 3:08 ng hapon.
19 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 1 sa Surigao City, Surigao del Norte.
Wala namang napaulat na pinsala sa mga karatig-bayan.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES