Canada, nanindigan sa ‘no-ransom policy’

 

Inquirer file photo

Naninindigan ang Canada na hindi ito magbabayad ng ransom sa mga terorista o mga bandidong grupo may hawak sa kanilang mga citizens sa ibayong dagat.

Ito ang tugon ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa pagtatapos ng G7 leaders summit sa Japan.

Ilan aniya sa mga isyung tinalakay sa dalawang araw na pagpupulong ang isyu ng terorismo at international security.

Sakali pamamagitan aniya ng ransom, mabibigyan lamang ng pagkakataon ang mga terorista na makakalap ng pondo upang makagawa pa ng mas malalang krimen laban sa mas maraming inosenteng sibilyan.

Matatandaang noong nakaraang buwan, pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf ang kanilang Canadian hostage na si John Ridsdel at ipi-nost pa sa internet ang karumal-dumal na krimen.

Sa isa pang bagong video, nagbanta ang bandidong grupo na pupugutan ang isa pa nilang bihag kung hindi ibibigay ang kanilang ransom demand na P600 milyon bago sumapit ang June 13 deadline.

Read more...