‘Walang kinalaman ang US sa arbitration case’-Coloma

 

Itinanggi ni Communications Secretary Herminio Coloma na nakikialam ang bansang Amerika sa magiging isyu ng arbitration sa reklamong isinampa ng Pilipinas kontra sa China kaugnay ng agawan ng teritoryo sa South China o West Philippines Sea.

Ayon kay Coloma, walang basehan ang alegasyon ng China dahil tanging ang paghahayag lamang ng suporta sa maayos na resolusyon sa usapin ang binibitiwang salita ng Amerika hinggil sa isyu.

Malinaw aniya na tanging ang pagtalima sa ‘rule of law’ lamang ang nais na iparating ng US at ang pagpapanatili ng ‘freedom of navigation’ at ‘freedom of overflight’.

Hindi rin aniya ang Amerika lamang ang naninindigan sa prinsipyong ito kung hind imaging ang iba pang bansa.

Ang reaksyon ni Coloma ay dulot ng pahayag kamakailan ni Chinese Ambassador to Netherlands Wu Ken na ang pagsasampa ng reklamo ng Pilipinas ng arbitration case sa The Hague ay isang mistulang pakana lamang ng Washington.

Read more...