Ito ang pahayag ng ilang mga opisyal ng Amerika sa gitna ng umiiral na tensyon sa pagitan ng Amerika at ng China at maging sa Moscow.
Dahil sa mga ginagawa ng US, ilang grupo ang nagpoprotesta sa naturang mga naturang bansa sa pagsasabing ito mismo ang pasimuno ng tensyon sa rehiyon.
Gayunman, giit ng Amerika, nais lamang nilang tiyakin na mapapanatili ang freedom of navigation sa South China Sea at Sea of Japan.
Ayon kay Admiral John Richardson, chief of the US naval operation, sa loob ng 25 taon, ngayon lamang muling nahaharap sa kompetisyon ang Amerika pagdating sa usapin ng maritime superiority dahil sa pagpapalakas ng China at Russia ng kanilang mga sariling naval fleet.
Dahil sa pagtatayo ng mga isla ng China sa South China Sea, minarapat ng Amerika na magsagawa ng mga aerial at naval maneuvers malapit sa mga isla upang igiit ang freedom of navigation sa lugar.
Samantala, sa Baltic Sea, mga Russian fighter jets naman ang naglibot sa paligid ng isang US Navy warship noong nakaraang buwan.
Naghain naman ng pormal na protesta ang Moscow sa US dahil sa isang reconnaissance flight sa Sea of Japan noong nakaraang linggo.