Leyte Congressman Martin Romualdez, nakiramay sa pamilya ni PM Shinzo Abe

(Courtesy: Lakas CMD)

Nagpaabot ng pakikiramay si Leyte Congressman First District Martin Romualdez sa pamilyang naulila ni dating Japanese Prime Shinzo Abe.

Personal na nagtungo si Romualdez sa tahanan ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko sa Makati City para lumagda sa book of concolences.

Ayon kay Romualdez, isang malapit na kaibigan ng mga Filipino si Abe.

Ipinaabot ni romualdez ang kanyang pakikiramay sa asawa ni Abe na si Mrs. Akie Abe; mga kamag-anak at sa pamahalaan at sa mga mamayan ng Japan.

“With the deepest and most profound condolences and prayers, we mourn the loss and sudden passing of a great leader and true friend,” pahayag ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez, malaki ang papel na ginampanan ni Abe para mapalakas pa ang ugnayan ng Japan at Pilipinas.

Binaril ang 67 anyos na si Abe ng nag-iisang suspek habang nangangampanya sa Nara Japan noong Hulyo 8.

“The world has lost a kind and decent man, a great leader and a statesman,” pahayag ni Romualdez.

“I join the country of Japan and the Filipino nation in mourning the death of the beloved leader,” dagdag ni Romualdez.

Umaasa si Romualdez na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Abe.

“We send our collective wish across the sea that justice be served to his family and to the Japanese people. This senseless act of violence must be condemned,” pahayag ni Romauldez.

“Shinzo Abe is a dear friend of the Filipino people, and we are saddened by this dastardly attack on such a peaceful man. Our thoughts and prayers are with him, his family and the people of Japan,” dagdag ng kongresista.

 

 

Read more...