DepEd: Balik-eskwela na sa Agosto 22

Photo credit: San Jose Central School/Facebook

Itinakda na ng Department of Education ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22, 2022.

Ayon sa DepEd, tatagal ang klase para sa School Year 2022 hanggang 2023 sa July 7, 2023.

Pinapayagan ng DepEd ang blended learning schedule at full distance learning hanggang Oktubre 31, 2022.

Simula naman sa Nobyembre 2, 2022, lahat ng public at private schools ay dapat nang mag-transition sa limang araw na in-person classes.

Sinabi pa ng Deped na pagkatapos ng nobyembre 2, wala nang eskwelahan ang papayagan na magsagawa ng pure distance learning o blended learning maliban na lamang sa mga eskwelahan na nagpapatupad ng Alternative Delivery Modes.

Aabot sa 203 na school days ang papayagan.

Lilimatahan lamang ito para sa academics at related co-curricular activities.

Mahigpit naman na ipagbabawal ang pagsasagawa ng extra-curricular activities.

Isasagawa ang enrollment simula sa Hulyo 25 hanggang Agosto 22, 2022.

Ipatutupad naman ang Christmas break sa Disyembre 19, 2022 at balik eskwela sa Enero 4, 2023.

 

 

Read more...