P20.7 milyong halaga ng produktong agrikultura, nasira sa pagbaha sa Ifugao at Sultan Kudarat

 

Aabot sa P20.67 milyong halaga ng produktong agrikultura ang nasira dahil sa pagbaha sa bahagi ng Ifugao at Sultan Kudarat.

Ayon sa Department of Agriculture, aabot sa 783 na magsasaka ang naapektuhan ng pagbaha.

Tinatayang aabot sa 923 metrikong tonelada ng mga produktong agricultural ang nasira habang nasa 346 ektaryang sakahan ang naapektuhan ng pagbaha.

Kabilang sa mga pananim na nasira ang palay, high value crops, at livestock.

Nagsasagawa na ngayon ang DA Regional officers ng assessment para mabatid ang lawak ng mga pananim na nasira ng pagbaha.

Tiniyak naman ng DA na bibigyang ayuda ng kanilang hanay ang mga apektadong magsasaka.

Halimbawa na ang pagbibigay ng rice, corn at assorted vegetable seeds, drugs at biological para sa livestock at poultry at Survival and Recovery Program of Agricultural Credit Policy Council.

Mayroon ding naka-standby na pondo na maaring makuha ang mga magsasaka sa Philippine Crop Insurance Corporation  at Quick Response Fund para sa rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.

 

Read more...