Yellow warning ibinabala sa Palawan at Kalayaan Islands

PHOTO CREDIT: DOST-PAGASA/FACEBOOK

Itinaas ng Pagasa ang yellow warning sa bahagi ng Palawan kasama na ang Kalayaan Islands.

Ito ay dahil sa makararanas na pag-ulan ang mga nabanggit na lugar bunsod ng Southwest monsoon.

Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide.

Kasabay nito, naglabas din ng thunderstorm advisory ang Pagasa sa bahagi ng Camarines Norte, Northern Samar at Masbate.

Wala namang inaasahang bagyo sa bansa.

 

Read more...