Sen. Robin Padilla dinipensahan na hindi panira ng pamilya ang Divorce Bill

Iginiit ni Senator Robin Padilla na layon ng kanyang inihain na Divorce Bill na protektahan at hindi wasakin ang pamilya.

Aniya nais niya na tumagal habang buhay ang kasal ngunit aniya talagang may mga pagsasama na hindi pang-matagalan dahil sa mga hindi maayos na pagkakaiba ng mag-asawa.

“Hindi po ito kailanman na sumasalungat sa pag-aasawa. Hindi ito isang bagay na kami ay kontra na magkaroon ng forever. Katunayan, ito pong panukalang ito ay nagbibigay ng proteksyon unang una sa mag-asawa – babae at lalaki at sa kanilang mga magiging anak,” sabi ng baguhang senador.

Ipinununto nito na tanging ang Pilipinas na lamang, bukod sa Vatican City, ang walang diborsiyo ngunit sa 2017 SWS survey, 53 porsiyento ng mga Filipino ang pabor sa legalisasyon ng diborsiyo.

Sa panukala ni Padilla, inilatag niya ang mga maaring gamitin na basehan sa paghahain ng diborsiyo.

Sinabi din niya na maaring maibasura ang petisyon kapag napatunayan na nagkutsabahan lamang ang mag-asawa na kapwa nais maghiwalay.

Read more...