Imbakan ng bala at baril sa Cagayan de Oro sumabog

Magkakasunod na pagsabog ang narinig sa imbakan ng bala at baril sa Camp Evangelista sa Barangay Patag, Cagayan de Oro.

Ngayari ang insidente pasado 1:00 ng madaling araw kanina, July 12.

Ayon sa ulat, malayo naman sa mga bahay at residente ang kampo.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa pagsabog.

Wala namang naiulat na nasugatan sa pagsabog.

 

Read more...