TRO sa Agoo mayoralty election, pinababawi sa Korte Suprema

Pinababawi sa Korte Suprema ang inilabas na temporary restraining order (TRO) na pumigil sa Commission on Elections (Comelec) sa pagpapatupad ng resolusyon na nagkansela sa certificate of candidacy ni Frank Ong Sibuna sa naganap na mayoralty candidate sa Agoo, La Union.

Inihain ni Alma Panelo ang petisyon ng disqualification case laban kay Sibuma sa Comelec.

Katuwiran ni Panelo, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Edward Giolago, wala nang bisa ang TRO dahil pinaboran na ng Comelec ang kanyang petisyon.

Aniya, pinawalang-bisa na ng Comelec ang kandidatura ni Sibuma at naideklara na rin si Stefanie Eriguel Calongcagon bilang bagong alkalde ng bayan bago pa man mailabas ang TRO.

Ayon kay Giolago, dapat ibinasura ang petisyon ni Sibuma sa Korte Suprema dahil sa kawalan ng merito.

Read more...