Finance Department, binalaan sa paniningil ng mga bagong buwis

Photo credit: Sorsogon Provincial Information Office/Facebook

Pinaghihinay-hinay ni Senator Francis Escudero ang Department of Finance (DOF) sa panininigil ng bago o karagdagang buwis para sa karagdagang pondo ng gobyerno.

Sinabi ni Escudero na dagdag-pahirap ang balakin na ito sa sambayanan na ramdam na randam pa rin ang hirap dulot ng pandemya.

Diin ng senador, dapat maging sensitibo ang gobyerno sa nararanasang hirap ng publiko dulot na rin ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

“It is always easier to go for imposing new or increasing whatever existing taxes in order to raise revenues for government. However, this is burdensome and is not in keeping with the times. There is slow economic growth, increased unemployment and rising inflation,” aniya.

Hinihinakayat na lamang ni Escudero si Finance Sec. Benjamin Diokno na pagtibayin na lamang ang sistema ng pangongolekta ng mga buwis.

Makakatulong din kung paiigtingin ang kampaniya laban sa katiwalian sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).

Nabanggit nito na halos P200 bilyon ang hindi nakokolektang buwis dahil sa korapsyon at diin ni Escudero, higit pa ito sa tinatayang kikitain sa pagpapataw ng dagdag o bagong buwis.

Read more...