Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang umiiral na low pressure area (LPA) sa loob ng teritoryo sa bansa.
Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 345 kilometers Silangan ng Daet, Camarines Norte.
Inaasahang kikilos ang sama ng panahon sa Silangang bahagi ng Northern Luzon.
Mababa pa rin ang tsansa na maging bagyo ang LPA.
Ani Perez, makakaapekto ang kaulapang dala ng LPA sa ilang bahagi ng Katimugang Luzon at Visayas.
Patuloy din ang pag-iral ng Southwest Monsoon o Habagat na nagdadala ng kaulapan sa western section ng Southern Luzon at ilang parte ng Visayas.
Bunsod nito, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa buong Visayas, Caraga, Bicol region, MIMAROPA, Aurora, at Quezon dahil sa LPA at Habagat.
Samantala, bagamat walang nakataas na gale warning, maaring makaranas ng moderate to rough sea condition sa western seaboard ng Central at Southern Luzon.