Bigtime oil price rollback, ipatutupad bukas

Radyo Inquirer On-Line photo

Good news sa mga motorista.

Magpapatupad ng bigtime price rollback sa mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Hulyo 12.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, PetroGazz, Seaoil, at Shell, babawasan ng P5.70 sa kada litro ng gasolina, habang P6.10 naman ang tapyas sa kada litro ng diesel.

Magkakaroon din ng rollback na P6.30 sa kada litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price adjustment sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Hulyo 12).

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga, habang 8:01 ng umaga sa Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

Read more...