Sec. Remulla, negatibo na sa COVID-19

Photo credit: Justice Sec. Boying Remulla/Facebook

Negatibo na sa COVID-19 si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Sinabi ng kalihim na maayos na ang kaniyang kalagayan.

Gayunman, kailangan pa ring kumpletuhin ni Remulla ang pitong araw na quarantine protocol.

Ayon sa Remulla, magpapatuloy siyang magtrabaho sa kanilang tahanan.

Samantala, ayon naman kay Atty. Jose Dominic Clavano mula sa Office of the Secretary, magbabalik-opisina ang kalihim sa araw ng Huwebes, Hulyo 14.

Nagpasalamat naman si Remulla sa lahat ng nagparating ng suporta at panalangin para sa kaniyang paggaling.

Read more...