Pagsusumite ng aplikasyon para sa 2022 Bar exams, pinalawig hanggang Agosto 15

Kuha ni Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line

Muling pinalawig ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon para sa 2022 Bar examinations.

“The Court was, however, informed that due to the variance in the academic calendars of the various law shools in the country, some law schools will close their academic year later than others and later than the close of the original application period,” saad sa Bar Bulletin no. 4 series of 2022.

Kasunod ito, sinabi ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, 2022 Bar Examinations chair, na pinalawig ang aplikasyon upang mabigyan ng sapat na panahon ang lahat ng interesadong law graduates na makapaghanda at makapagsumite ng mga documentary requirements.

Sa pamamagitan din nito, matitiyak na magkakaroon ng sapat na oras ang iba’t ibang opisina ng Supreme Court na maproseso at maberipika ang mga aplikasyong matatanggap.

Matatandaang unang itinakda ang deadline ng aplikasyon para sa 2022 Bar examinations sa Hulyo 15.

SC PIO photo
Read more...