Healthcare utilization rate sa NCR, nasa 28 porsyento – OCTA

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Nananatiling mababa ang healthcare utilization rate (HCUR) sa National Capital Region (NCR) sa kabila ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa OCTA Research.

Sa Twitter post ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, ibinahagi nito na maikokonsiderang mababa ang 50 porsyentong HCUR at pababa.

Base sa datos hanggang Hulyo 9, nasa 28.4 porsyento ang HCUR sa Metro Manila.

Narito naman ang HCUR sa ilang lugar sa bansa:
– Aklan (8.6 porsyento)
– Baguio City (14.2 porsyento)
– Batangas (35 porsyento)
– Cavite (29.2 porsyento)
– Cebu City (39.6 porsyento)
– Davao City (26.3 porsyento)
– Guimaras (44.6 porsyento)
– Iloilo (45.5 porsyento)
– Iloilo City (40.1 porsyento)
– Laguna (28.3 porsyento)
– Lucena (44.2 porsyento)
– Rizal (38.9 porsyento)

Samantala, nasa “moderate” level naman ang HCUR sa Bohol na may 63.6 porsyento.

Sa huling datos hanggang Hulyo 10, nasa 13,818 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...