OCTA: COVID-19 positivity rate sa NCR, tumaas

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Tumaas ang COVID-19 positivity rate sa maraming lugar sa bansa.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, base sa datos hanggang Hulyo 9, tumaas sa 10.9 ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) mula sa dating 8.3 porsyento.

Umakyat naman sa 26.9 porsyento ang posivitiy rate sa Aklan.

Ilang probinsya naman ang mayroong mahigit 10 porsyentong positivity rate kabilang ang Antique (17.8 porsyento), Batangas (11.3 porsyento), Capiz (18.8 porsyento), Cavite (14.9 porsyento), Iloilo (11 porsyento), Isabela (10.3 porsyento), Laguna (18.2 porsyento), Nueva Ecija (14 porsyento), Pampanga (16.5 porsyento), Rizal (16.6 porsyento), at Tarlac (16.7 porsyento).

Mababa naman ang positivity rate ng nakahahawang sakit sa Bataan (9.4 porsyento), Benguet (8.1 porsyento), Bulacan (7.7 porsyento), Cebu (5.1 porsyento), Davao del Sur (4.8 porsyento), at Pangasinan (9.6 porsyento).

Read more...