Retired PAF personnel namaril ng dalawa bago nag-suicide

 

Nagbaril sa sarili ang isang retiradong tauhan ng Philippine Air Force (PAF) matapos nitong barilin ang dalawang kapitbahay sa Pasay City.

Base sa paunang impormasyon, bago mag-alas-9 kaninang umaga nang mangyari ang insidente sa 14t corner 15th street sa Barangay 183.

Bago ang insidente, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Leandro Pedrosa, 59 at ang biktimang sina Hazel Mejares, 47, negosyante at Jovel Villegas, 47, isang OFW.

Umuwi si Pedrosa at pagbalik ay magkasunod na binaril sina Mejares at Villegas gamit ang isang Glock 17 .9mm pistol.

 

Kasunod nito, pinaputukan ni Pedroso ang sarili sa ulo na nagresulta sa agaran niyang pagkamatay.

Hindi pa malinaw ang ugat ng pagtatalo ng tatlo.

Read more...