Base sa abiso ng Phivolcs, naitala ang mababang bilang ng volcanic earthquakes, paghupa sa pamamaga ng lupa ng Taal Carldera at Taal Volcano Island (TVI) at mahihinang pagsingaw at aktibidad mula sa Main Crater sa nakalipas na dalawang buwan.
Bumaba ang average na volcanic earthquake mula sa pito kada araw noong Enero 1 hanggang Mayo 31 hanggang wala kada araw mula pa noong Hunyo 13.
Tahimik din ang naturang bulkan nitong nakalipas na buwan kung kaya’t nangangahulugan na may pagina ng degassing o pagsingaw ng gas at pagbitak ng bato kaugnay ng aktibidad ng magma sa ilalim ng TVI.
Naitala ng continuous Globral Positioning System (GPS) mula Nobyembre 2021 at Abril 2022 at ng Interferometric Synthetic Aperture Radar (InSAR) mula Enero 2021 hanggang Hunyo 2022 ang short at medium-term na paghupa ng Taal.
Mayroon namang average na 1,214 tonelada kada araw ang binubugang sulfur dioxide (SO2) simula Mayo 2 hanggang Hulyo 5.
Base pa sa datos, matamlay na paglabas na lamang ng singaw mula sa mga lagusan at fumaroles, na tumataas ng 300 hanggang 2,400 metro ang nagaganap sa Main Crater.