‘Pages of Happiness’ mobile library inilunsad sa Baler

Malaking tulong sa mga kabataan ng Baler, Aurora ang proyektong ‘Pages of Happiness’ book truck o mobile library.

Inilunsad ni Ines Aurora Athene Angara ang proyekto at layon nito na pagyamanin ang kaalaman ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro.

Isang paraan din ito para mahikayat sa pagbabasa ang mga batang Filipino.

Sa proyekto, bibigyan ng libro ang mga batang kapos-palad at maari nila itong iuwi para sa kanilang dagdag kaalaman.

Target na benepisaryo ng proyekto ang mga anak ng mga magsasaka at mangingisda.

Bukod dito, nagsagawa din ang batang Angara ng storytelling at una na niyang itong ginawa sa Barangays Reserva at Zubali sa bayan ng Baler, maging sa Barangay Sta. Lucia sa bayan naman ng Maria Aurora.

Read more...