Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire ito ay base sa resulta ng isinagawang preliminary investigation ng Food and Drug Administration (FDA).
“Base sa kanilang pagkakasuri at pag-iimbestiga ay hindi po apektado iyong production ng ating food product na ito dito po sa ating bansa,” ani Vergeire.
Pagtitiyak pa ng opisyal na hindi apektado ng sinasabing kontaminasyon ng naturang kemikal ang mga instant noodles na gawa ng Nissin Monde dito sa Pilipinas.
Magugunita na kamakailan ilang gobyerno sa Europa ang nagpalabas ng health warnings sa kanilang mamamayan sa pagkain ng Lucky Me! instant noodles dahil kabilang umano sa sangkap ay ang ethylene oxide.
Itinanggi naman ng Nissin Monde ang pagkakaroon ng naturang kemikal sa sangkap ng kanilang instant noodles.
Kaugnay pa nito, sinabi naman ni Vergeire na nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng FDA sa isyu.