Unang nag-alay ng mga bulaklak si Ambassador Moragas sa harapan ng Church of Baler, kung saan nakubkob ng mga katipunero ang may 50 cazadores o mga sundalong Espanyol simula noong Hulyo 1, 1998 hanggang Hunyo 2, 1999.
Kasunod nito ang maigsing programa sa katabing auditorium, kung saan ginunita ni Ambassador ang detalye ng ‘Siege of Baler, na aniya ay napakahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas at Espanya.
Binanggit nito na napakatibay ng relasyon ngayon ng dalawang bansa dahil sa mayaman kasaysayan nag-uugnay sa Pilipinas at Espanya.
Samantala, sa kanyang bahagi naman ay kinilala ni Angara ang mga tulong na naibigay ng Espanya sa Pilipinas, kasama na ang mga donasyon kaugnay sa nagpapatuloy na pandemya.
Ito aniya ang nagpatibay pa ng husto ng relasyon ng dalawang bansa, kasama na sa aspeto ng kultura.
“It is something special because when you look around us, the Spanish influence is everywhere. It is in our names, its in our blood, its in our food. Everywhere you go, you can not escape it,” diin ni Angara.
Hindi naman nakadalo sa selebrasyon si Tourism Sec. Christina Garcia – Frasco dahil naging close contact ito ni Pangulong Marcos Jr., na inanunsiyo ng Malakanyang kahapon na nagpositibo muli sa COVID 19.
Binasa na lamang ni Toursim Regional Dir. Carolina Uy ang mensahe ni Frasco.