Kinilala ang naaresto na si Angel Paul Larimer, alias Rocky Reyes Marasigan, 24, residente ng 2464 M. dela Cruz St., sa lungsod.
Inaresto siya nang tanggapin ang isang package na una nang nadiskubre na naglalaman ng 2.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang P15 milyon.
Idineklara ang package na naglalaman ng chocolates at kape nang dumating ito sa Clark, Pampanga mula sa Rockville, Maryland sa Amerika.
Ikinasa ang operasyon alas-4 ng hapon ng Biyernes sa tapat ng Cuneta Astrodome sa Roxas Boulevard.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Larimer.