Pilipinas, nakapagtala ng 1,712 na bagong kaso ng COVID-19

Manila PIO photo

Nakapagtala ng mahigit 1,700 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang araw.

Base sa tala ng Department of Health (DOH) hanggang Hulyo 8, 1,712 ang nadagdag na kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.

Bunsod nito, umakyat pa sa 12,528 ang aktibong kaso sa bansa.

Sa ngayon, umakyat na sa 3,714,770 ang kabuuang naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa nasabing bilang, 3,641,603 o 98 porsyento ang COVID-19 recoveries habang 60,639 o 1.6 porsyento ang COVID-19 deaths.

Patuloy naman ang paalala sa publiko na sundin pa rin ang ipinatutupad na health protocols at makiisa sa vaccination efforts ng pamahalaan.

Read more...