Pangulong Marcos, pinaunlakan ang imbitasyon ng China

PCOO photo

Pinaunlakan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang imbitasyon ng China na bumisita sa kanilang bansa.

Pero ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, wala pang petsa ang pagbisita ng Pangulo sa China.

Ayon kay Angeles, may imbitasyon ang China kay Pangulong Marcos.

Noong July 6, nagkaroon ng pagpupulong sina Pangulong Marcos at Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Malakanyang.

Sa naturang pulong, nagkasundo ang dalawa na paigtingin pa ang bilateral cooperation ng Pilipinas at China.

Napag-usapan din ng dalawa ang kooperasyon para maayos ang maritime dispute sa West Philippine Sea.

Read more...