Pumanaw na sa edad na 67 si dating Japanese prime minister Shinzo Abe ilang oras matapos barilin habang nangangampanya para sa parliamentary election.
Base sa ulat, binaril umano si Abe gamit ang isang “homemade gun” habang nagbibigay ng talumpati sa labas ng isang train station sa Nara, Japan.
Ayon sa doktor, maraming dugo ang nawala kay Abe dahil sa tinamong dalawang tama ng baril, kung saan ang isa ay nasa kanang bahagi ng kaniyang leeg.
Nang dalhin siya sa ospital, wala nang vital signs ang dating prime minister.
Sinabi naman ng pulisya na naaresto ang isang 41-anyos na lalaki na hinihinalang suspek sa pamamaril.
Ito ang unang assassination sa isang nakaupo o dating Japanese prime minister sa loob ng halos 90 taon.
MOST READ
LATEST STORIES